Friday, October 21, 2011

WAR

Kawawang mga Sundalo at Rebelde. Naglalaban, Nagaaway at Nagpapatayan ng dahil sa hindi maipaliwanag at malabong dahilan. Kanya kanya ng ipinaglalaban, Makamit lang ang karapatan.


Kapwa pilipino Kapwa kababayan hindi nagkakaintindihan.
Pagkatapos ng Labanan, wala, walang masaya dahil sino ba naman ang gustong mawalan ng mahal sa buhay.?


Mali ang mga rebelde dahil ipinipilit nila ang gusto nila, hindi sila sumusunod sa batas. hinuhusgahan nila ang pamunuan nito, anu ba naman yung kaunting usapan para pakinggan ang pamunuan sa kanilang magandang gawain  para sa mga kababayan natin dyan sa mindanao..


Pero sa isang banda,


Mali din ang mga namumuno dito dahil, may ibang matataas na namumuno na hindi iniisip ang kalagayan nila. Sariling teritoryo, sariling lupang mapagtataniman at kung tutuusin dapat ay maunlad na. ngunit hindi pinagbibigyan sa kadahilanang hinaharang ang kalakaran nito at ibinubulsa. isa pa rito, dapat ay binibigyan na ng laya ang mga kapwa natin sa mindanao na nag rebelde ng dahil sa hindi kagustuhang pag sunod sa mga namumuno.


kahit naman sundalo ay gusto na ring makalaya sa ganitung uri ng pamumuhay.


dapat ay magkaisa na tayo.ibigay ang kagustuhan sa tamang paraan at ng wala nang gulo sa ating bansa. Rest In Piece sa ating mga magigiting na sundalo na namatay sa labanan at ganun na din sa mga rebelde.