Tuesday, May 29, 2012

SUPER KITE


Ako ay parang isang saranggola na malayo sayo ngunit, mayroon tali na naguugnay sa ating dalawa at ikaw ang may hawak ng taling iyon.

Kaya kung magkahiwalay man tayo, wag kang manghihinayang tandaan mo ikaw ang  bumitaw at hindi ako.


Sa iyong pagbitaw ako naman ay palutang lutang sa himpapawid na halos walang pakinabang dahil sa pagkakahiwalay nating dalawa, Hanggang sa bumagsak ako sa kasawian at may bagong pupulot para pahalagahan at palargahin ulit ng napakataas

At kung makakapagsalita man akong saranggola, sasabihin kong ingatan nya ako dahil ayoko nang maputol ang tali at mapunta sa iba.

Pero sa lahat ng pagkakataon ay may pag asa kung gagawa ka ng paraan para mahanap,mabawi at makiusap na ibalik ang saranggolo sayo!