Monday, August 19, 2013
SUSPENDED
"May pasok ba bukas? Suspended ba? Putang ina! Hindi kami waterproof"
Nakapost sa Facebook account ng isang estudyante na di mo maiintindihan kung may sayad ba sa utak o mainitin lang talaga ang ulo. Hindi na kayo nasanay, alam naman nat...ing lahat na kapag may bagyo ay matik na suspended na ang klase. Wag ka ng maghintay sa announcement ng DEPED at CHED, dahil para silang chicks na nililigawan mo, nagpapakipot pa isu-suspend rin naman. Isaksak mo sa kukute mo yan o ipasok sa mga internal organs mo! Dahil kung hindi, ipapahigok ko sayo ang tubig baha mula sa imburnal.
Ayun sa aking sariling pananaliksik, may dalawangpung bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility taon-taon. Naks! Sa dalawangpu na bagyo, anim hanggang walo lang ang hahagupit at mananalasa sa kalupaan, ang iba magwi-window shopping lang sa Trinoma. Apat na bagyo lang ang mahuhulaan ng pag-asa. Minsan mas malaki pa ang tsansa ng huni ng mga ibon o kaya hula ng mga matatanda.
Nasanay na tayo kapag may bagyo, Konteng ulan lang required ng magbaon ng salbabida kapag lalabas ka ng bahay, pero kung bigtime ka mas ok kung Jetskie ang dalhin mas cool.
Kung binabaha ang bahay mo o ang dinadaanan mo, wag kang aangal. Hindi ka kasi nakatira sa isang bansa na may maayos na drainage system. Hindi ka nakatira sa bansa na may disiplina ang mga tao, kahit saan pwedeng magtapon ng basura. Nakatira ka sa bansang lulubog lilitaw. Lulubog ang mga kabahayan at lilitaw ang mga basura. In short, Welcome to Pilipins!
Kasama na sa kultura natin na dapat taon-taon laging may baha, dapat laging may lumulubog na barko, dapat laging may sex scandal, dapat laging may isyu sa gobyerno, dapat may sumasabog na bomba. Para laging may thrill ang buhay ng mga Pilipino.
Hindi ko alam kung bakit lagi nalang tayong hinahagupit ng bagyo. Dahil ba sa sobrang dami na ng populasyon natin, trip lang ng bagyo na bawasan. Dahil ba kulang tayo sa pananampalaya sa dyos o kaya naman ay maliit lang ang perang naiiaambag natin sa simbahan. O kaya naman ay masyado tayong busy kaya hindi natin napapansin ang kapaligiran. O baka naman abala sa pangungupit ang mga idolo nating pulitiko kaya walang maisip na solusyon sa mga suliranin.
Subscribe to:
Posts (Atom)