I'm Ready To Go
Monday, August 19, 2013
SUSPENDED
"May pasok ba bukas? Suspended ba? Putang ina! Hindi kami waterproof"
Nakapost sa Facebook account ng isang estudyante na di mo maiintindihan kung may sayad ba sa utak o mainitin lang talaga ang ulo. Hindi na kayo nasanay, alam naman nat...ing lahat na kapag may bagyo ay matik na suspended na ang klase. Wag ka ng maghintay sa announcement ng DEPED at CHED, dahil para silang chicks na nililigawan mo, nagpapakipot pa isu-suspend rin naman. Isaksak mo sa kukute mo yan o ipasok sa mga internal organs mo! Dahil kung hindi, ipapahigok ko sayo ang tubig baha mula sa imburnal.
Ayun sa aking sariling pananaliksik, may dalawangpung bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility taon-taon. Naks! Sa dalawangpu na bagyo, anim hanggang walo lang ang hahagupit at mananalasa sa kalupaan, ang iba magwi-window shopping lang sa Trinoma. Apat na bagyo lang ang mahuhulaan ng pag-asa. Minsan mas malaki pa ang tsansa ng huni ng mga ibon o kaya hula ng mga matatanda.
Nasanay na tayo kapag may bagyo, Konteng ulan lang required ng magbaon ng salbabida kapag lalabas ka ng bahay, pero kung bigtime ka mas ok kung Jetskie ang dalhin mas cool.
Kung binabaha ang bahay mo o ang dinadaanan mo, wag kang aangal. Hindi ka kasi nakatira sa isang bansa na may maayos na drainage system. Hindi ka nakatira sa bansa na may disiplina ang mga tao, kahit saan pwedeng magtapon ng basura. Nakatira ka sa bansang lulubog lilitaw. Lulubog ang mga kabahayan at lilitaw ang mga basura. In short, Welcome to Pilipins!
Kasama na sa kultura natin na dapat taon-taon laging may baha, dapat laging may lumulubog na barko, dapat laging may sex scandal, dapat laging may isyu sa gobyerno, dapat may sumasabog na bomba. Para laging may thrill ang buhay ng mga Pilipino.
Hindi ko alam kung bakit lagi nalang tayong hinahagupit ng bagyo. Dahil ba sa sobrang dami na ng populasyon natin, trip lang ng bagyo na bawasan. Dahil ba kulang tayo sa pananampalaya sa dyos o kaya naman ay maliit lang ang perang naiiaambag natin sa simbahan. O kaya naman ay masyado tayong busy kaya hindi natin napapansin ang kapaligiran. O baka naman abala sa pangungupit ang mga idolo nating pulitiko kaya walang maisip na solusyon sa mga suliranin.
Thursday, March 14, 2013
Outie ^^
Putang ina nagkamali ako ng dinaanan
i mean, nagkamali ako ng landas na tinahak.
Buti na lang nakatawid at nakabalik ako... ng MASAYA.
Ngayon alam ko na, kapag napadaan ulit ako,
Sinisigurado kong di na ko maliligaw
Wag lang akong tatanga tanga. ^^
At sinisigurado kong pag naligaw ulit ako,
Wag ka ding tatanga tanga.!
Wednesday, March 13, 2013
.I.
Naaalala mo ba yung mga panahong mahal na mahal kita
yung mga panahong nilaan ko para sayo
yung mga panahong gumagawa ako ng paraan para mapasaya ka
yung mga panahong handa akong maging korni at baduy
yung mga panahong hindi sinasayang dahil ikaw ang kasama
yung mga panahong nagkakandarapa ako papunta sayo
yung mga panahong isasanla ko na ang kaluluwa ko kay satanas
wag ka lang lumayo,.
Gagawin ko pa din yun.
Kaso sa DESERVING na!
Wednesday, March 6, 2013
:D
napadaan ako sa makabagong mundo na lubos
na nakapagbigay sakin ng pakiramdam na hindi maipaliwanag.
saya at sakit na panandaliang dumaan sa buhay ko.
saya at sakit na panandaliang dumaan sa buhay ko.
Ngayon mas naiintindihan ko na ang lahat.
Bukod sa nalimutan ko ang mga importanteng tao sa buhay ko,
nalimutan ko din ang mga kadalasang ginagawa ko simula
nung napadaan ako sa mundong yun.
pinangarap kong maabot ang mundong yon pero hindi ako nagtagumpay
hindi ko sinasabing mahina ako, sa halip lalu akong tumibay at
nadagdagan ang kaalaman ko.
kahit naging katatawanan man sa iba, wala akong sinisisi at
wala akong pinagsisisihan kung may nawala man sakin
ang mahalaga nandito pa din ako na humihinga ng maluwag
isang alaalang bumaon sa katawan ko na hindi kayang burahin.
parang tattoo ng isang simpleng braso!
parang tattoo ng isang simpleng braso!
Ngayon handa na kong dagdagan ang tattoo ng nakaraan at
pumasok sa mundo ng higit pa sa nakaraan.
pumasok sa mundo ng higit pa sa nakaraan.
sisimulan ko ang lahat kasama ang pamilya at kaibigang gumagabay.
at wala akong pakialam kung pagtawanan man nila ako.
ika nga. LIVE and let LIVE!
Monday, March 4, 2013
:|
Eversince we met,
Your eyes were covered in reading glass.
I sat there and stared at you.
Then the awkward ways we meet.
First comes heavy breathing.
I staring your face.
next happened is magic.
I never cared how i dressed before
But i cared that day and night with you.
her pictures start to be put on my wallet.
Constant visits while i'm out on the road.
Its hard to leave sometimes.
But you know where i lay my head at night.
What will happen next, i don't wanna know!
Wednesday, February 27, 2013
LOBO
Napaka bilis talagang lumipas ng panahon.
At napaka bilis din ng mga pangayayari
Parang kanina lang masaya ko
Ngayon naman nalulubog ako sa kalungkutan.
Gusto kong bumalik sa pakiramdam ng kanina
At wag nang tapusin ang oras na yon.
Ang pakiramdam ko ay maihahalintulad sa isang batang
may hawak ng lobong bigla na lang pumutok ng walang
kamalay malay.
Halos umiyak sa panghihinayang ang bata
Dahil ang lobong iyon ay bigay ng may kapal,
Dahil iyon lang ang nag-iisang kaligayahan nya.
Sabi nga nila isa ako sa mga matatayog na saranggola
Lagi daw akong sumusuyod sa tuktok ng kasiyan
Ngunit wag daw akong maging kampante sa mga nangyayari
Kaya magiingat daw ako kung sakaling maputol ang pisi
Na nagdudugtong sa amin.
Panahon na lang siguro ang mag didikta ang kapalaran nating dalawa.
Maaaring hindi pa ngayon o sa mga darating na araw,
habang hawak ko ang imahe ng pinapangarap ko,
Magiging matatag ako hanggang sa pagbabalik mo.
Sana dumating ang araw na nandyan ka sa harap ko.
Saturday, January 26, 2013
^^
May mga bagay sa mundo na kailangan nating unawain, kailangan nating palayain,
Kailangang maghintay at mag tiis.
Kung minsan kase nakakasakit na pala tayo pero hindi pa rin natin nararamdaman.
Kung mabibigyan tayo ng isa pang pagkakataon para itama ang mga kamaliang nagawa,
Tuloy lang ng tuloy ang daloy ng buhay.
Wag magpapa apekto sa nakapaligid satin. hindi naman nila nararamdaman ang nararamdaman natin
pag nagmamahal at nasasaktan tayo.
Dumating man sa buhay natin na halos na Tsunami ka sa problema, e, kayang kaya yan.
basta wag lang aangal sa binibigay na pagsubok ng buhay satin.
Wag tayong susuko kahit pa anung sabihin nila. kung magkakamali man, ok lang yan kase tao ka lang.
Gusto ko lang namang ipabatid na sana maging matibay tayo hanggang dulo!
Subscribe to:
Posts (Atom)