Wednesday, February 27, 2013

LOBO



Napaka bilis talagang lumipas ng panahon.
At napaka bilis din ng mga pangayayari
Parang kanina lang masaya ko
Ngayon naman nalulubog ako sa kalungkutan.
Gusto kong bumalik sa pakiramdam ng kanina
At wag nang tapusin ang oras na yon.

Ang pakiramdam ko ay maihahalintulad sa isang batang
may hawak ng lobong bigla na lang pumutok ng walang

kamalay malay. 
Halos umiyak sa panghihinayang ang bata
Dahil ang lobong iyon ay bigay ng may kapal,
Dahil iyon lang ang nag-iisang kaligayahan nya.

Sabi nga nila isa ako sa mga matatayog na saranggola
Lagi daw akong sumusuyod sa tuktok ng kasiyan
Ngunit wag daw akong maging kampante sa mga nangyayari
Kaya magiingat daw ako kung sakaling maputol ang pisi
Na nagdudugtong sa amin.

Panahon na lang siguro ang mag didikta ang kapalaran nating dalawa.
Maaaring hindi pa ngayon o sa mga darating na araw,

habang hawak ko ang imahe ng pinapangarap ko,
Magiging matatag ako hanggang sa pagbabalik mo.
Sana dumating ang araw na nandyan ka sa harap ko.

No comments:

Post a Comment