Tuesday, June 5, 2012

LIFE


Magmula nung araw na makilala kita ang daming mong binago sa buhay ko


  • Pagkatapos akong pag-isipin ng paaralan ikaw naman ang iniisip ko
  • Kapag hindi kita kasama hindi ko alam ang gagawin ko, AYOKO ng ganung feeling
  • Nasayo lang palagi ang oras ko at ang pag ikot ng mundo ko
  •  Sa pagkain ko ng Agahan,Tanghalian at hapunan kapag hindi kita kasama halos mapuno ang inbox ng phone mo at misscall sa call register mo sa pag aalala kung kumain ka na
  • Kapag kasama kita, Wala akong pakialam sa mga nakapalibot satin
  • Kapag kasama kita parang Humihinto ang oras ko, Sayo lang ako
  • Kapag kasama kita masaya ko dahil sayo ko nararamdaman ang kaligayahang di nararamdaman palagian
  • Lagi akong supportive kung anu man yang pinagkakaabalahan mo kahit alam kong di ako masaya dyan, nandyan ka naman kaya masaya na din ako
  • Lagi ka din namang supportive sa mga ginagawa ko
  • Kapag may problema ko may nasasandalan akong nakakapagpagaan ng loob ko
  • Close ako sa Family mo At Close ka din sa Family ko
  • Mahal na Mahal natin ang isat isa na parang kahit sinu man o anu man e hindi tayo mapaghihiwalay
Hanggang sa lumipas ang mga panahon at nananabang ka na, medyo lumamig na tayo sa isat isa at nagbago ang ihip ng hangin.
Bigla kang nagsawa at nakahanap ng bagong magpapasaya sayo dahil nakukulangan ka sa mga ipinapakita at ginagawa ko.
Eto naman ako sunod lang sa kung anung gusto mo, Hanggang sa nagiging balisa,tuliro,di alam ang gagawin, di makakain ng maayos, di na talaga makakain.
Hanggang sa dumating sa punto na gusto ko nang mabaliw O mag suicide killing dahil sa sobrang sakit dahil di ko talaga kayang tanggapin at di ko kayang ipaliwanag sa sarili ko na kung bakit nangyari sakin ang ganun.




pero kinaya mo  para magpatuloy sa buhay, lumipas ang mahabang panahon at naiayos mo ang sarili mo
pero di mo maipaliwanag sa sarili mo na bakit simula nung mga araw na yon, hindi na nagbago ang takbo ng mundong nakasanayan mo!

No comments:

Post a Comment