Thursday, July 21, 2011

KURAKOT



May Chismis ako ^_^


Sinuri daw ng Philippine Center for  Investigative Journalism(PCIJ) sa Statements of Assets and Liabilities (SAL) ni Gloria Arroyo, tinatayang sa loob ng 8 taon, higit  2000% raw ang nilaki ng kanyang yaman.


Anak ng teteng, totoo ba to????


P 7M noong 1992, P 144 million na ngayon.  
Pero kung ang sweldo ng pangulo ay P45,000 lang kada buwan,  palaisipan ngayon kung paanong nadadagdagan ang yaman ni Gloria ng ilang milyong piso. 


Kaya tanong ng ilan, saan galing ang ganito kalaking kayamanan????
Saan pa ba edi sa kaban ng bayan.


Hello garci
NBN - ZTE deal
Fertilizer Pund   at iba pa.


Wag sanang gayahin ng kasalukuyang administrasyon ito...

Tuesday, July 12, 2011

11 COMMANDMENTS


Sampung kautusan ng Diyos,.

Gustong Baguhin ng mga naka pwesto, Balak daw dagdagan ng isa pang kautusan.

ika 11 kautusan - Wag kang aamin kahit huling huli ka nang nag nanakaw sa lipunan.

napaka lala na talaga, Sinasamantala na lang talaga nila ang kahinaan ng ibang pilipino.

Kung sabagay,. mukhang aminado na sila na hindi sila aakyat ng langit pag namatay na sila sana.
sa lalung madaling panahon.

Anu nga ba talagang nangyayari sa inyo????

Sino ba ang Source????

Monday, July 11, 2011

AMPATUAN

Maguindanao Massacre na hindi matapos tapos na kaso at hearing sa lintik na hukuman na yan.


Dapat ay pinapalawig ang doktrina ng batas at pakinggan ang mga hinaing ng mga taong gustong humingi ng katarungan tulad ng mga Biktima at Witness sa kasong ito.


Buong mundo ang naghihintay na ma resolbahan ang kasong napaka tagal ng nakaburol.


Anu bang dapat gawin????


Pangulong Noynoy Aquino,. Nagako ka hindi ba?
Dapat tuparin mo yung pangako mo na bibigyan ng importansya ang kasong ito...






Biruin mu nga naman,,,.
"AMPATUAN". Marinig mo lang ang pangalang yan, Hustisya na agad ang papasok sa utak mo....
at lahat ay gustong bitayin na lang ang mga ampatuan na sangkot sa massacre.


ako din. palimos ng katarungan.


Kumilos tayo. KILOS!!!

Sunday, July 10, 2011

BANGUNGOT


Basahin mo to ng malaman mo kung may kwenta nga.


Isang umaga nagising ako, Galing pala sa panaginip ang lahat. Buti na lang.....


Nasa tuktok daw ako ng isang mataas na gusali  "Building" , ewan ko ba kung bakit ako napunta
sa lugar na yun. nataranta ko at parang umiikot ang mundo ng napakabilis para sakin.


Mula sa tuktok ng isang mataas na gusali ay sumulyap ako ng dahan dahan sa ibaba nito
at nagulat ako sa nakita ko.


Napaka lalang lugar na punong punto ng polusyon,usok na lumalamon dito.
Parang isang delubyo na unti unting kinakain ang mundo.


Nung oras na yon, lumawak ang pag iisip ko,..
naisip ko na para saan ba ang lahat ng to???? Tao din ba ang gumagawa nito????
para saan pa ang pagyaman kung bigla ka rin namang uusungin ng dahil sa mga ginawa mo????


PANAGINIP lang to pero alam naman natin na totoong nangyayari ang lahat ng to.
Mapipigilan pa kaya natin ang pag lala nito????


Nasa tao ang kasagutan.......

Thursday, July 7, 2011

FTS


A senator today hinted that the P150 million disbursement of intelligence fund of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) in 2010 could have been used in the May 2010 elections.
At the resumption of the Senate Blue Ribbon Committee today on the PCSO fund mess, Sen. Teofisto Guingona III said that the agency released P102.5 million in intelligence funds from January to June last year.
Guingona said that the releases were authorized by former President and now Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Nakakahiya at nakakagalit ang ginagawa ng mga may sungay na tao sa likod ng isyu na to.

ika nga ni tunying, Ms. Uriarte Para kang sisiw na sisiyap siyap at naghahanap ng inahin nung ginigisa ka ng mga legislative sa senado. at ang inahin mung yon
ay si GMA. anak ng teteng. Gutom ba kayo sa pera?

para sakin, para kang butiki na ginagamit ng Buwaya.

Dapat talaga ay pagbayaran nila ang ginawa nilang pagwawaldas sa pera ng pamahalaan.
Dapat ay makulong ang mga tumikim ng sinumpaang prutas sa PCSO.
Para di na tularan ng ibang nagnanais na gumawa ng ganitong isyu.

Sunday, July 3, 2011

Animal/Marcos


May kwento ako,. Nanuod ako ng "Animal Farm",.


May isang barn na kung saan ay sama sama ang ibat ibang klase ng mga hayop
tulad ng baboy,baka,kabayo,manok,kambing,usa,itik at iba pa.


sila ay nasa pangangalaga ni Mr. jones
si Mr. jones ay palaging lasing at dahil don ay hindi na nya naaalagaan ng
maayos ang kanyang mga alagang hayop, at sinasaktan nya pa ang mga ito.


hanggang sa isang araw ay nag almahan ang mga hayop sa barn dahil sa gutom
nung araw din na yon ay lasing si Mr. Jones,. Pinuntahan nya ang mga hayop para patigilin
ang ingay ng bawat isa. at ito ay laging may dalang baril na para bang tinatakot ang mga hayop
kapag ito ay nag iingay,..




Sa grupo naman ng mga hayop ay mayroong mga baboy na matatalino na ayaw mag pa api sa mga
tulad ni Mr. jones. isa sa mga baboy na ito si "Snowball" ang namumuno sa mga hayop sa Barn.


Nakakita siya ng kwarto sa loob ng barn na kung saan ay nakatago ang mga imbak na pagkain ng mga hayop.
tinawag nya ang kabayong si "Boxer" Para buksan ang pinto. si boxer ang pinakamalakas na hayop sa
loob ng barn.


hindi alam ng mga hayop na nakabantay si Mr.jones sa kanila kaya naman isa isang pinaputukan ni Mr.jones
ng kanyang baril ang mga hayop.


Nagsimula ang Rebelyon dahil hindi na matiis ng mga hayop ang ginagawang pagmamalupit sa kanila


si snowball ay lumaban,. hanggang sa tinamaan sya ng baril sa likod ngunit hindi naman malubha.
Tinulungan sya ni Boxer at ng iba pang hayop hanggang sa mapalayas nila si Mr. jones sa Animal Farm.


Matapos ang labanan ay malaya silang nakakain at namuhay sa isang malaking Barn.


Ang sabi ni Snowball, lahat ng nabubuhay sa mundo tao man o hayop dapat ay pantay pantay.
nagtayo sya ng sarili nyang batas para maintindihan ng ibang hayop na dapat ay itrato sila ng maayos.
Tao man ito o hayop.


*Lahat ng hayop ay pare parehas.
*Walang hayop ang titikim ng nakalalasing na inumin.
*Wlang hayop ang matutulog sa malambot na kama.
*Mabuti ang apat ang Paa, Masama ang Dalawa ang Paa. Manok,itik: ???????????



Hanggang sa may nakialam na isang malaking baboy na nagngangalang "Napoleon" na itim ang kulay.
at siya ay may isang kasama na sumasaludo sakanya, isa ring baboy na si "Squealer"


si napoleon ay may limang alagang mababangis na aso. inutusan nya ang mga aso na sugudin si snowball
hanggang sa tumakbo si snowball palabas ng barn,. hinabol ng mga aso pero hindi nila naabutan si snowball
ngunit hindi na muling nagpakita si snowball sa Animal Farm.






Simula non, ay pinagharian na ni Napoleon ang Buong Animal Farm at siya ang naging Pinuno nito at ang kanyang mga aso
ang mga magigiting nitong mga sundalo na walang ginawa kundi lumimos lang ng pagkain sa kanya at kay aquealer.


Pinagtatrabaho ni Napoleon ng sobra ang mga hayop kahit na pagod na pagod na ang mga ito,.
ang iba pa dito ay nagkakasakit dahil sa gutom at pagod.


ang itlog ng manok at gatas ng baka ang kanyang iniipon para sa kanyang pangsarili.
at ang batas ni snowball ay unti unting nalimutan ng karamihan ng dahil sa pag mamalupit ni napoleon.




Ang kwentong ito ay Binuod ko lang,.


Pero naisip ko,!


Ganitong ganito nung pinamumunuan pa ni MARCOS ang pilipinas. Nag deklara sya ng Martial law.
Dahil Hawak nya sa leeg ang hukbong sandatahan, Pulis,sundalo at iba pa.
Hawak nya din ang lahat ng namumuno sa kung saan saang departamento ng rupublika ng pilipinas
napapaikot nya ang pilipinas sa mga gusto nyang gawin kahit pa ito ay labag sa batas.
umaangkin din sya ng ibat ibang ari arian na hindi naman sakanya.
Doon ay nagumpisa ang Rebelyon at marami ang namatay ng dahil sa kasakiman ni Marcos.
pasalamat tayo at hindi nagpatuloy ang ganoong sistema ng pilipino. pero,
karamihan pa rin sa mga namumuno ay baluktot ang pag iisip.


Kaya dapat matuto tayong maging mapagbigay, sumunod sa batas,
At kung ikay ay isang namumuno, huwag kang maging sakim.!!! ^_^