Sunday, July 3, 2011
Animal/Marcos
May kwento ako,. Nanuod ako ng "Animal Farm",.
May isang barn na kung saan ay sama sama ang ibat ibang klase ng mga hayop
tulad ng baboy,baka,kabayo,manok,kambing,usa,itik at iba pa.
sila ay nasa pangangalaga ni Mr. jones
si Mr. jones ay palaging lasing at dahil don ay hindi na nya naaalagaan ng
maayos ang kanyang mga alagang hayop, at sinasaktan nya pa ang mga ito.
hanggang sa isang araw ay nag almahan ang mga hayop sa barn dahil sa gutom
nung araw din na yon ay lasing si Mr. Jones,. Pinuntahan nya ang mga hayop para patigilin
ang ingay ng bawat isa. at ito ay laging may dalang baril na para bang tinatakot ang mga hayop
kapag ito ay nag iingay,..
Sa grupo naman ng mga hayop ay mayroong mga baboy na matatalino na ayaw mag pa api sa mga
tulad ni Mr. jones. isa sa mga baboy na ito si "Snowball" ang namumuno sa mga hayop sa Barn.
Nakakita siya ng kwarto sa loob ng barn na kung saan ay nakatago ang mga imbak na pagkain ng mga hayop.
tinawag nya ang kabayong si "Boxer" Para buksan ang pinto. si boxer ang pinakamalakas na hayop sa
loob ng barn.
hindi alam ng mga hayop na nakabantay si Mr.jones sa kanila kaya naman isa isang pinaputukan ni Mr.jones
ng kanyang baril ang mga hayop.
Nagsimula ang Rebelyon dahil hindi na matiis ng mga hayop ang ginagawang pagmamalupit sa kanila
si snowball ay lumaban,. hanggang sa tinamaan sya ng baril sa likod ngunit hindi naman malubha.
Tinulungan sya ni Boxer at ng iba pang hayop hanggang sa mapalayas nila si Mr. jones sa Animal Farm.
Matapos ang labanan ay malaya silang nakakain at namuhay sa isang malaking Barn.
Ang sabi ni Snowball, lahat ng nabubuhay sa mundo tao man o hayop dapat ay pantay pantay.
nagtayo sya ng sarili nyang batas para maintindihan ng ibang hayop na dapat ay itrato sila ng maayos.
Tao man ito o hayop.
*Lahat ng hayop ay pare parehas.
*Walang hayop ang titikim ng nakalalasing na inumin.
*Wlang hayop ang matutulog sa malambot na kama.
*Mabuti ang apat ang Paa, Masama ang Dalawa ang Paa. Manok,itik: ???????????
Hanggang sa may nakialam na isang malaking baboy na nagngangalang "Napoleon" na itim ang kulay.
at siya ay may isang kasama na sumasaludo sakanya, isa ring baboy na si "Squealer"
si napoleon ay may limang alagang mababangis na aso. inutusan nya ang mga aso na sugudin si snowball
hanggang sa tumakbo si snowball palabas ng barn,. hinabol ng mga aso pero hindi nila naabutan si snowball
ngunit hindi na muling nagpakita si snowball sa Animal Farm.
Simula non, ay pinagharian na ni Napoleon ang Buong Animal Farm at siya ang naging Pinuno nito at ang kanyang mga aso
ang mga magigiting nitong mga sundalo na walang ginawa kundi lumimos lang ng pagkain sa kanya at kay aquealer.
Pinagtatrabaho ni Napoleon ng sobra ang mga hayop kahit na pagod na pagod na ang mga ito,.
ang iba pa dito ay nagkakasakit dahil sa gutom at pagod.
ang itlog ng manok at gatas ng baka ang kanyang iniipon para sa kanyang pangsarili.
at ang batas ni snowball ay unti unting nalimutan ng karamihan ng dahil sa pag mamalupit ni napoleon.
Ang kwentong ito ay Binuod ko lang,.
Pero naisip ko,!
Ganitong ganito nung pinamumunuan pa ni MARCOS ang pilipinas. Nag deklara sya ng Martial law.
Dahil Hawak nya sa leeg ang hukbong sandatahan, Pulis,sundalo at iba pa.
Hawak nya din ang lahat ng namumuno sa kung saan saang departamento ng rupublika ng pilipinas
napapaikot nya ang pilipinas sa mga gusto nyang gawin kahit pa ito ay labag sa batas.
umaangkin din sya ng ibat ibang ari arian na hindi naman sakanya.
Doon ay nagumpisa ang Rebelyon at marami ang namatay ng dahil sa kasakiman ni Marcos.
pasalamat tayo at hindi nagpatuloy ang ganoong sistema ng pilipino. pero,
karamihan pa rin sa mga namumuno ay baluktot ang pag iisip.
Kaya dapat matuto tayong maging mapagbigay, sumunod sa batas,
At kung ikay ay isang namumuno, huwag kang maging sakim.!!! ^_^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment