Friday, January 24,2011.
6:30am nagllibot libot kami sa aming barangay para sa mga nasalanta ng bagyo at sa tinamaan ng landslide.
sa paglalakad namin, nadaanan namin ang mga kabahayan na nasa alanganing lugar. Ibat ibang bahay ang halos isang bagyong matindi lang ay wasak agad.
karamihan dito ay nasa matataas na lupa na hindi mo mapagkakatiwalaan o madaling bumigay ang lupa.
Dere deretso lang sa paglalakad hanggang makarating kami sa mga bahayan sa tabi ng ilog.
Ang ilog ay humupa na ngunit nag iwan ito ng marka ng mga kinain nyang lupa.
Ang mga kabahayan doon ay lubhang nasa mapanganib na pwesto. naranasan na din nilang makitang lumaki at umabot ang ilog sa mga bahay doon kaya sabi nila lagi daw silang handa,. pero hindi sapat ang mga salita na nanggaling sa kanila para sakin,.
Kaya naman babantayan ng DISASTER GROUP kung anu mang mga magaganap sa pagdaan ng mga bagyo. sa ngayon dapat magplano na sila ng mga relief goods and clothes na maibibigay kung sakali mang magkaroon nga ng ganitong pagkakataon. makiisa at tumulong sa mga gaya nito.
Pasensya sa mga readers. hindi ko na upload yung picture. imaginine nyu na lang.
No comments:
Post a Comment