Sabihin na natin na sa unang tingin ay matatawa ka sakanila, Pero subukan mung palawakin ang damdamin at kaisipan mo, siguradong iba ang mararamdaman mo habang tinitignan mo ang mga larawan na ito.
Ang mga taong ito ay matatagpuan mu sa kung saan saang lansangan dito sa pilipinas na kung tutuusin dapat ang mga tulad nila ay nasa maayus na lugar bahay o kung saan mang lugar na hindi sila dadapuan ng sakit.
Ang hirap isipin na sa murang edad nila ay dapat nasa paaralan at maayus na tirahan sila, sa halip ay namamalimos upang may makain sa pang araw araw. nasaan na ba ang mga magulang ng mga ito?
hindi nyu dapat ginawa yan kung di nyo kayang buhayin. kasalanan sa dyos yan kasi para ka na ring pumapatay ng tao. at hidi pa yon. ito ay sarili mong anak.
Ganun din sa matatanda ng nasa larawan,.dapat ay inaalagaan na lang sila ng kanilang mga anak at apo imbis na kakaunting barya sa kalsada ang kanilang nililimos.
hindi ba naiisip ng HOME FOR THE AGENT na maraning matatandang nangangailangan ng tulong nila. subukan nyong lumibot sa kabayanan nyo at malalaman nyo ang iniiyak ng mga katulad namin.
Marami talagang tao sa mundo na talaga namang nakakaawa pero wala akong magagawa kundi kaawaan at limusan ang bawat taong nakikita kong nang lilimos. pagkain pang tawid gutom ay makakatulong na sa kanilang kumakalam na sikmura.
tulad mong reader ka. isang pulubi lang ang alagaan mo, malaking tulong ka na sa bansa. kasi hindi lang naman ikaw ang nakakaisip sigurado ng mga gaya nito.
No comments:
Post a Comment