Ito naman ay hindi gaanung ka interesadong kwento pero isang araw nakaupo ako sa isang lugar na kung saan ay nag iipon ipon kaming mga tropa.
Maingay at kanya kanyang kwentuhan hanggang sa tumahimik ang lahat.
May isa sa amin ang kumakain ng chichirya, at nung naubos na ay basta lang nya tinapon ang plastic sa malinis at walang kalat na sahig.
Bigla lang pumasok sa isip ko na siguro hindi lang sya ang gumagawa ng ganito,. panu kaya kung pagsasama samahin mo ang mga ganitong tao na hindi marunong magtapon ng basura sa tamang lalagyan nito,. anu na lang ang mangyayari.
Ang tanong kelan kaya mapupunta ang basurang iyon sa basurahan na kung saan ay dun sya nararapat?
At kelan kaya matututo ang tao na magtapon ng basura nila sa tamang tapunan?
Hindi nya ba naiisip na kahit sa isang piraso at maliit na plastik na yon ay perwisyo sa iba ang kapalit nito?
At higit pa don,ay istorbo pa sa tao na makakapansin ng kalat na yon.
"Dumi at Baha" ang maidudulot nito sa kapaligiran pag nagpatuloy ito sa ganitong sitwasyon.
Kaya maging malinis tayo sa kapaligiran. ^_^
No comments:
Post a Comment