Kawawang mga Sundalo at Rebelde. Naglalaban, Nagaaway at Nagpapatayan ng dahil sa hindi maipaliwanag at malabong dahilan. Kanya kanya ng ipinaglalaban, Makamit lang ang karapatan.
Kapwa pilipino Kapwa kababayan hindi nagkakaintindihan.
Pagkatapos ng Labanan, wala, walang masaya dahil sino ba naman ang gustong mawalan ng mahal sa buhay.?
Mali ang mga rebelde dahil ipinipilit nila ang gusto nila, hindi sila sumusunod sa batas. hinuhusgahan nila ang pamunuan nito, anu ba naman yung kaunting usapan para pakinggan ang pamunuan sa kanilang magandang gawain para sa mga kababayan natin dyan sa mindanao..
Pero sa isang banda,
Mali din ang mga namumuno dito dahil, may ibang matataas na namumuno na hindi iniisip ang kalagayan nila. Sariling teritoryo, sariling lupang mapagtataniman at kung tutuusin dapat ay maunlad na. ngunit hindi pinagbibigyan sa kadahilanang hinaharang ang kalakaran nito at ibinubulsa. isa pa rito, dapat ay binibigyan na ng laya ang mga kapwa natin sa mindanao na nag rebelde ng dahil sa hindi kagustuhang pag sunod sa mga namumuno.
kahit naman sundalo ay gusto na ring makalaya sa ganitung uri ng pamumuhay.
dapat ay magkaisa na tayo.ibigay ang kagustuhan sa tamang paraan at ng wala nang gulo sa ating bansa. Rest In Piece sa ating mga magigiting na sundalo na namatay sa labanan at ganun na din sa mga rebelde.
Friday, October 21, 2011
Thursday, July 21, 2011
KURAKOT
May Chismis ako ^_^
Sinuri daw ng Philippine Center for Investigative Journalism(PCIJ) sa Statements of Assets and Liabilities (SAL) ni Gloria Arroyo, tinatayang sa loob ng 8 taon, higit 2000% raw ang nilaki ng kanyang yaman.
Anak ng teteng, totoo ba to????
P 7M noong 1992, P 144 million na ngayon.
Pero kung ang sweldo ng pangulo ay P45,000 lang kada buwan, palaisipan ngayon kung paanong nadadagdagan ang yaman ni Gloria ng ilang milyong piso.
Kaya tanong ng ilan, saan galing ang ganito kalaking kayamanan????
Saan pa ba edi sa kaban ng bayan.
Hello garci
NBN - ZTE deal
Fertilizer Pund at iba pa.
Wag sanang gayahin ng kasalukuyang administrasyon ito...
Tuesday, July 12, 2011
11 COMMANDMENTS
Sampung kautusan ng Diyos,.
Gustong Baguhin ng mga naka pwesto, Balak daw dagdagan ng isa pang kautusan.
ika 11 kautusan - Wag kang aamin kahit huling huli ka nang nag nanakaw sa lipunan.
napaka lala na talaga, Sinasamantala na lang talaga nila ang kahinaan ng ibang pilipino.
Kung sabagay,. mukhang aminado na sila na hindi sila aakyat ng langit pag namatay na sila sana.
sa lalung madaling panahon.
Anu nga ba talagang nangyayari sa inyo????
Sino ba ang Source????
Monday, July 11, 2011
AMPATUAN
Maguindanao Massacre na hindi matapos tapos na kaso at hearing sa lintik na hukuman na yan.
Dapat ay pinapalawig ang doktrina ng batas at pakinggan ang mga hinaing ng mga taong gustong humingi ng katarungan tulad ng mga Biktima at Witness sa kasong ito.
Buong mundo ang naghihintay na ma resolbahan ang kasong napaka tagal ng nakaburol.
Anu bang dapat gawin????
Pangulong Noynoy Aquino,. Nagako ka hindi ba?
Dapat tuparin mo yung pangako mo na bibigyan ng importansya ang kasong ito...
Biruin mu nga naman,,,.
"AMPATUAN". Marinig mo lang ang pangalang yan, Hustisya na agad ang papasok sa utak mo....
at lahat ay gustong bitayin na lang ang mga ampatuan na sangkot sa massacre.
ako din. palimos ng katarungan.
Kumilos tayo. KILOS!!!

Sunday, July 10, 2011
BANGUNGOT
Basahin mo to ng malaman mo kung may kwenta nga.
Isang umaga nagising ako, Galing pala sa panaginip ang lahat. Buti na lang.....
Nasa tuktok daw ako ng isang mataas na gusali "Building" , ewan ko ba kung bakit ako napunta
sa lugar na yun. nataranta ko at parang umiikot ang mundo ng napakabilis para sakin.
Mula sa tuktok ng isang mataas na gusali ay sumulyap ako ng dahan dahan sa ibaba nito
at nagulat ako sa nakita ko.
Napaka lalang lugar na punong punto ng polusyon,usok na lumalamon dito.
Parang isang delubyo na unti unting kinakain ang mundo.
Nung oras na yon, lumawak ang pag iisip ko,..
naisip ko na para saan ba ang lahat ng to???? Tao din ba ang gumagawa nito????
para saan pa ang pagyaman kung bigla ka rin namang uusungin ng dahil sa mga ginawa mo????
PANAGINIP lang to pero alam naman natin na totoong nangyayari ang lahat ng to.
Mapipigilan pa kaya natin ang pag lala nito????
Nasa tao ang kasagutan.......
Thursday, July 7, 2011
FTS
A senator today hinted that the P150 million disbursement of intelligence fund of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) in 2010 could have been used in the May 2010 elections.
At the resumption of the Senate Blue Ribbon Committee today on the PCSO fund mess, Sen. Teofisto Guingona III said that the agency released P102.5 million in intelligence funds from January to June last year.
Guingona said that the releases were authorized by former President and now Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Nakakahiya at nakakagalit ang ginagawa ng mga may sungay na tao sa likod ng isyu na to.
ika nga ni tunying, Ms. Uriarte Para kang sisiw na sisiyap siyap at naghahanap ng inahin nung ginigisa ka ng mga legislative sa senado. at ang inahin mung yon
ay si GMA. anak ng teteng. Gutom ba kayo sa pera?
para sakin, para kang butiki na ginagamit ng Buwaya.
Dapat talaga ay pagbayaran nila ang ginawa nilang pagwawaldas sa pera ng pamahalaan.
Dapat ay makulong ang mga tumikim ng sinumpaang prutas sa PCSO.
Para di na tularan ng ibang nagnanais na gumawa ng ganitong isyu.
Sunday, July 3, 2011
Animal/Marcos
May kwento ako,. Nanuod ako ng "Animal Farm",.
May isang barn na kung saan ay sama sama ang ibat ibang klase ng mga hayop
tulad ng baboy,baka,kabayo,manok,kambing,usa,itik at iba pa.
sila ay nasa pangangalaga ni Mr. jones
si Mr. jones ay palaging lasing at dahil don ay hindi na nya naaalagaan ng
maayos ang kanyang mga alagang hayop, at sinasaktan nya pa ang mga ito.
hanggang sa isang araw ay nag almahan ang mga hayop sa barn dahil sa gutom
nung araw din na yon ay lasing si Mr. Jones,. Pinuntahan nya ang mga hayop para patigilin
ang ingay ng bawat isa. at ito ay laging may dalang baril na para bang tinatakot ang mga hayop
kapag ito ay nag iingay,..
Sa grupo naman ng mga hayop ay mayroong mga baboy na matatalino na ayaw mag pa api sa mga
tulad ni Mr. jones. isa sa mga baboy na ito si "Snowball" ang namumuno sa mga hayop sa Barn.
Nakakita siya ng kwarto sa loob ng barn na kung saan ay nakatago ang mga imbak na pagkain ng mga hayop.
tinawag nya ang kabayong si "Boxer" Para buksan ang pinto. si boxer ang pinakamalakas na hayop sa
loob ng barn.
hindi alam ng mga hayop na nakabantay si Mr.jones sa kanila kaya naman isa isang pinaputukan ni Mr.jones
ng kanyang baril ang mga hayop.
Nagsimula ang Rebelyon dahil hindi na matiis ng mga hayop ang ginagawang pagmamalupit sa kanila
si snowball ay lumaban,. hanggang sa tinamaan sya ng baril sa likod ngunit hindi naman malubha.
Tinulungan sya ni Boxer at ng iba pang hayop hanggang sa mapalayas nila si Mr. jones sa Animal Farm.
Matapos ang labanan ay malaya silang nakakain at namuhay sa isang malaking Barn.
Ang sabi ni Snowball, lahat ng nabubuhay sa mundo tao man o hayop dapat ay pantay pantay.
nagtayo sya ng sarili nyang batas para maintindihan ng ibang hayop na dapat ay itrato sila ng maayos.
Tao man ito o hayop.
*Lahat ng hayop ay pare parehas.
*Walang hayop ang titikim ng nakalalasing na inumin.
*Wlang hayop ang matutulog sa malambot na kama.
*Mabuti ang apat ang Paa, Masama ang Dalawa ang Paa. Manok,itik: ???????????
Hanggang sa may nakialam na isang malaking baboy na nagngangalang "Napoleon" na itim ang kulay.
at siya ay may isang kasama na sumasaludo sakanya, isa ring baboy na si "Squealer"
si napoleon ay may limang alagang mababangis na aso. inutusan nya ang mga aso na sugudin si snowball
hanggang sa tumakbo si snowball palabas ng barn,. hinabol ng mga aso pero hindi nila naabutan si snowball
ngunit hindi na muling nagpakita si snowball sa Animal Farm.
Simula non, ay pinagharian na ni Napoleon ang Buong Animal Farm at siya ang naging Pinuno nito at ang kanyang mga aso
ang mga magigiting nitong mga sundalo na walang ginawa kundi lumimos lang ng pagkain sa kanya at kay aquealer.
Pinagtatrabaho ni Napoleon ng sobra ang mga hayop kahit na pagod na pagod na ang mga ito,.
ang iba pa dito ay nagkakasakit dahil sa gutom at pagod.
ang itlog ng manok at gatas ng baka ang kanyang iniipon para sa kanyang pangsarili.
at ang batas ni snowball ay unti unting nalimutan ng karamihan ng dahil sa pag mamalupit ni napoleon.
Ang kwentong ito ay Binuod ko lang,.
Pero naisip ko,!
Ganitong ganito nung pinamumunuan pa ni MARCOS ang pilipinas. Nag deklara sya ng Martial law.
Dahil Hawak nya sa leeg ang hukbong sandatahan, Pulis,sundalo at iba pa.
Hawak nya din ang lahat ng namumuno sa kung saan saang departamento ng rupublika ng pilipinas
napapaikot nya ang pilipinas sa mga gusto nyang gawin kahit pa ito ay labag sa batas.
umaangkin din sya ng ibat ibang ari arian na hindi naman sakanya.
Doon ay nagumpisa ang Rebelyon at marami ang namatay ng dahil sa kasakiman ni Marcos.
pasalamat tayo at hindi nagpatuloy ang ganoong sistema ng pilipino. pero,
karamihan pa rin sa mga namumuno ay baluktot ang pag iisip.
Kaya dapat matuto tayong maging mapagbigay, sumunod sa batas,
At kung ikay ay isang namumuno, huwag kang maging sakim.!!! ^_^
Tuesday, June 28, 2011
BASURA
Ito naman ay hindi gaanung ka interesadong kwento pero isang araw nakaupo ako sa isang lugar na kung saan ay nag iipon ipon kaming mga tropa.
Maingay at kanya kanyang kwentuhan hanggang sa tumahimik ang lahat.
May isa sa amin ang kumakain ng chichirya, at nung naubos na ay basta lang nya tinapon ang plastic sa malinis at walang kalat na sahig.
Bigla lang pumasok sa isip ko na siguro hindi lang sya ang gumagawa ng ganito,. panu kaya kung pagsasama samahin mo ang mga ganitong tao na hindi marunong magtapon ng basura sa tamang lalagyan nito,. anu na lang ang mangyayari.
Ang tanong kelan kaya mapupunta ang basurang iyon sa basurahan na kung saan ay dun sya nararapat?
At kelan kaya matututo ang tao na magtapon ng basura nila sa tamang tapunan?
Hindi nya ba naiisip na kahit sa isang piraso at maliit na plastik na yon ay perwisyo sa iba ang kapalit nito?
At higit pa don,ay istorbo pa sa tao na makakapansin ng kalat na yon.
"Dumi at Baha" ang maidudulot nito sa kapaligiran pag nagpatuloy ito sa ganitong sitwasyon.
Kaya maging malinis tayo sa kapaligiran. ^_^

Friday, June 24, 2011
PANATANG MAKABAYAN
Panatang Makabayan.
Itinuro naman sa paaralan,
Pero Nasaan?
Kung itoy hindi nasunod ng mga katandaan,
Paano ito susundin ng mga kabataan?
Paano ba maging isang tunay na pilipino?
Ang maging mapusok ba at mapaghiganti ang tamang batayan?
Kayo na lang ang humatol.
Thursday, June 23, 2011
Disaster Group
Friday, January 24,2011.
6:30am nagllibot libot kami sa aming barangay para sa mga nasalanta ng bagyo at sa tinamaan ng landslide.
sa paglalakad namin, nadaanan namin ang mga kabahayan na nasa alanganing lugar. Ibat ibang bahay ang halos isang bagyong matindi lang ay wasak agad.
karamihan dito ay nasa matataas na lupa na hindi mo mapagkakatiwalaan o madaling bumigay ang lupa.
Dere deretso lang sa paglalakad hanggang makarating kami sa mga bahayan sa tabi ng ilog.
Ang ilog ay humupa na ngunit nag iwan ito ng marka ng mga kinain nyang lupa.
Ang mga kabahayan doon ay lubhang nasa mapanganib na pwesto. naranasan na din nilang makitang lumaki at umabot ang ilog sa mga bahay doon kaya sabi nila lagi daw silang handa,. pero hindi sapat ang mga salita na nanggaling sa kanila para sakin,.
Kaya naman babantayan ng DISASTER GROUP kung anu mang mga magaganap sa pagdaan ng mga bagyo. sa ngayon dapat magplano na sila ng mga relief goods and clothes na maibibigay kung sakali mang magkaroon nga ng ganitong pagkakataon. makiisa at tumulong sa mga gaya nito.
Pasensya sa mga readers. hindi ko na upload yung picture. imaginine nyu na lang.

PUTIK
Sa panahon ng tag-ulan hindi maiiwasang bumaha dahil hindi mapigilan ang tuloy tuloy na pag-ulan at naranasan na rin nating lumubog nung dumaan ang bagyong "Ondoy" kaya dapat mga rescuer, ngayun pa lang ay kumikilos na kayo linisin ang mga kanal para tuloy tuloy na dumaloy ang mga tubig at hindi magbara na sanhi ng "BAHA".
Siguro naman ayaw nyu nang maulit pa ang nangyari 2 taon na ang nakakalipas, at maraming buhay ang nasayang dahil sa ganyang kalamidad, kaya dapat lahat tayo ay mag tulong tulong para sa mga nangangailangan, wag nating iisipin ang sarili natin. dahil hindi lang sila ang mapeperwisyo kung hindi tayo kikilos.
Hindi lang dapat sa pagkakataong ganyan.. dapat ang tao laging handa o handang tumulong sa mga nangyayari sa paligid at sa mga taong nangangailangan.
Wala kong pakialam kung anuman ang isipin mo sa mga ginagawa ko,..
ang gusto ko lang ay intindihin mo ang mga nababasa at naririnig mo...

Wednesday, June 22, 2011
USMAK
Sabihin na natin na sa unang tingin ay matatawa ka sakanila, Pero subukan mung palawakin ang damdamin at kaisipan mo, siguradong iba ang mararamdaman mo habang tinitignan mo ang mga larawan na ito.
Ang mga taong ito ay matatagpuan mu sa kung saan saang lansangan dito sa pilipinas na kung tutuusin dapat ang mga tulad nila ay nasa maayus na lugar bahay o kung saan mang lugar na hindi sila dadapuan ng sakit.
Ang hirap isipin na sa murang edad nila ay dapat nasa paaralan at maayus na tirahan sila, sa halip ay namamalimos upang may makain sa pang araw araw. nasaan na ba ang mga magulang ng mga ito?
hindi nyu dapat ginawa yan kung di nyo kayang buhayin. kasalanan sa dyos yan kasi para ka na ring pumapatay ng tao. at hidi pa yon. ito ay sarili mong anak.
Ganun din sa matatanda ng nasa larawan,.dapat ay inaalagaan na lang sila ng kanilang mga anak at apo imbis na kakaunting barya sa kalsada ang kanilang nililimos.
hindi ba naiisip ng HOME FOR THE AGENT na maraning matatandang nangangailangan ng tulong nila. subukan nyong lumibot sa kabayanan nyo at malalaman nyo ang iniiyak ng mga katulad namin.
Marami talagang tao sa mundo na talaga namang nakakaawa pero wala akong magagawa kundi kaawaan at limusan ang bawat taong nakikita kong nang lilimos. pagkain pang tawid gutom ay makakatulong na sa kanilang kumakalam na sikmura.
tulad mong reader ka. isang pulubi lang ang alagaan mo, malaking tulong ka na sa bansa. kasi hindi lang naman ikaw ang nakakaisip sigurado ng mga gaya nito.

Pangit
Isang araw napadpad ako sa pusod ng "Maynila" at sa paglalakad ko napadaan ako sa isang lugar na kung saan ay magulo at dikit dikit ang mga bahay na hindi magka intindihan kung saan ilalagay ang tamang pwesto nito,Buhol buhol ang mga kawad ng kuryente na konting abirya lang ay maaring masunog ang mga kabahayan.
naisip ko tuloy, sa website nga ng gobyerno slow na slow eh, panu pa kaya sa pag papaayos ng mga skwaters area.
hahay. ang tao nga naman naging maayus lang ang upo hindi na marunong silipin ang tatag na inuupuan kung may lamat na o kung may dumi nang lumiligid sa kanyang pinanghahawakan. dapat ay iniisip nyo din ang kapakanan ng mamayan nyo at hindi pagpapataba ng bulsa na nanggagaling sa kaban ng bayan... oo mataas at malinis ka pero napansin mo ba baka isang araw ay bigla ka na lang lamunin ng mga ginagamit mo?
Pasintabi sa mga nakakataas na gumagawa ng tama sa mga may katungkulan upang gampanan ang sinasabi sa kasulatan. pero pangit talaga, "PANGIT" kumilos kayo para hindi maiwanan ang bansa na unti unting pinapa angat ng mga taong may talento at sa mga taong unti unti din na pinababagsak ang bansa,. mahiya kayo lumayas na kayo dito sa pilipinas.

Subscribe to:
Posts (Atom)